1 patay, 3 iba pang miyembro ng carnapping syndicate arestado sa Malate

Patay ang isang miyembro ng carnapping syndicate, samantalang arestado ang tatlong iba pa matapos namang ang isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Malate, Maynila, Martes ng madaling araw.

Sinabi Manila Police District (MPD) Director PBGen Leo Francisco na nakilala ang napatay na suspek na si Ali Asgar Baraguer, 32, na sinasabing nanlaban sa mga pulis.

Naaresto naman sina Tojamir Baraguer, 34; Aivan Gulam, 43 at Somaira Dimalao, misis ng napatay na suspek.

Sinabi ni Francisco na natuklasan na kumuha ng dalawang silid sa Victoria Court Hotel ang mga suspek ganap na alas-3:30 madaling araw ng Martes.

Idinagdag ni Francisco na nagtago pa ang isa sa mga suspek sa kisame ng hotel dahilan para tumagal ang operasyon ng dalawa at kalahating oras.

Narekober mula sa mga suspek ang isang nakaw na sasakyan, isang pistola, at hindi pa mabatid na halaga ng pera.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Zamboanga City reports 89% Covid-19 recovery rate

Zamboanga City Hall ZAMBOANGA CITY – This city has registered a recovery rate from coronavirus …

error: Content is protected !!