2 lalaking nagtapon ng basura sa Pasig River nahulihan ng shabu

Arestado ang dalawang lalaki na sinita dahil sa pagtatapon ng basura sa Pasig River sa Escolta, Maynila matapos namang makuhaan ng shabu sa kanilang bulsa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Anthony Abendan, 34, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng no. 52 C Area A Gate 7 Parola Compound, Tondo, Maynila at Armado Arellano, Sr. 64, ng 109 Muelle Dela Industria, Binondo, Maynila.

Base sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis nang mapansin ang dalawang suspek na nagtatapon ng basura sa Pasig River.

Nang kapkapan ang mga suspek, nakumpiska mula saa kanila ang dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.5 gramo at nagkakahalaga ng P3,400.

Kapwa nakakulong sina Abendan at Arellano at nahaharap sa mga kaso.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Palace vows more funding for gov’t nurses back wages

PNA file photo MANILA – The national government will look for sources of funding for …

error: Content is protected !!