2 miyembro ng kidnap-for-ransom group napatay sa QC

Napatay ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng kidnap-for-ransom group matapos ang isinagawang operasyon sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, Sabado ng gabi.

Base sa ulat, nagpanggap na bibili ng baril ang isang operatiba sa mga suspek alas-11 ng gabi ng Sabado sa Eagle Ext., Area 2, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City

Kabilang sa mga napatay ay si Johnny Radaza, na isa umanong miyembro ng Waray-waray kidnap-for-ransom group. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawing suspek.

Ayon sa mga otoridad, sangkot ang dalawa sa serye ng kidnap-for-ransom sa Metro Manila.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre .45 pistola, isang .9mm at isang motorsiklo.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

DPWH opens Kalayaan Bridge on Independence Day

(Photo courtesy of DPWH) MANILA – National and local government officials headed by Public Works …

error: Content is protected !!