2 patay, 6 pa sugatan matapos masunog ang bus sa QC

Dalawa ang patay, samantalang anim na iba pa ang sugatan matapos masunog ang isang bus sa Fairview, Quezon City, ngayong hapon.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng Fairview Bus (NAL 6673) ang kahabaan ng Commonwealth Ave., Barangay Greater Fairview, Quezon nang mag-away ang isa sa pasahero nito at ang babaeng konduktor na nakilala lamang bilang Sebrana.

Ayon sa testimonya ng driver ng bus na si Valentino Obligacion, 45, ng Blk 31, lot 23, Ilang Ilang st., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, Quezon City, ganap na alas-12:30 ng hapon habang nasa kahabaan sila ng Commonwealth Ave. patungong Litex nang marinig niyang nagtatalo ang isa sa pasahero at babaeng konduktor.

Idinagdag ni Obligacion na makalipas ang ilang minuto, nakita niyang may ibinuhos na likido ang lalaking pasahero sa konduktor.

Ani Obligacion agad na nagliyab ang katawan ng babaeng biktima at ang lalaking sakay.

Ayon pa sa driver, agad niyang sinabihan ang ibang pasahero na lumabas.

Idineklarang kontrolado ang apoy ganap na ala-1 ng hapon at tuluyang naapula ganap na ala-1:15 ng hapon.

Sa panayam ng Daily Tribune, sinabi ng isang source na hindi na nagpabanggit ng pangalan na nagalit ang sakay na lalaki sa konduktor dahil nakikipaghiwalay ito.

Agad na rumesponde ang Quezon City Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni SFO3 Antonio Santillon.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawi sa sunog.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pangyayari habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Roque, Galvez to bring solutions to Iloilo City’s Covid woes

MASSIVE INOCULATION. The ongoing Covid-19 vaccination at the University of San Agustin (USA) on Wednesday …

error: Content is protected !!