2 PCG members, 3 pa, nakorner sa buy-bust

ZAMBOANGA CITY – Kabilang ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa limang pinagdadampot sa magkahiwalay na drug buy-bust operations sa Zamboanga City, kung saan nasamsam ang aabot sa P318,040 halaga ng hinihinalang shabu, Sabado, Mayo 15.

Sa isang pahayag, sinabi ni Police Regional Office (PRO)-9 Director P/Brig. Gen. Ronaldo Genaro Ylagan na dakong 10:30 ng umaga nang gawin ng Drug Enforcement Team ng Zamboanga City Police ang unang buy-bust sa Atis Drive, Barangay Baliwasan.

Tatlong residente sa lugar ang naaresto, na kinilalang sina Ryan Manuel y Landingin, 40; John Capuy y Gaganting, 39, kapwa may asawa at aktibong miyembro ng PCG-Zamboanga City; at Marites Manuel y Salvador, 40, may asawa, high school teacher sa lungsod.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang apat na iba’t ibang sukat ng heat-sealed plastic sachet ng 35.97 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P244,600.

Sa isa pang buy-bust, bandang 3:00 ng hapon sa Popcom Compound sa Brgy. Cabatangan, nadakma naman sina Fherlan Plaza y Cano, 43, may asawa, driver; at Nurfaina Plaza y Subahani, 38, may asawa, kapwa residente sa lugar.

Nasamsam umano mula sa dalawang suspek ang nasa 15 heat-sealed plastic sachets na may 10.8 gramo ng hinihinalang shabu, na may market value na P73,440.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang limang drug suspects habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Rare white sperm whale — like Moby Dick — captured on video

Science A sperm whale with the same rare colouring as the fictional Moby Dick has …

error: Content is protected !!