2 suspek sa pagpatay sa 2 bata, naaresto na

handcuff

Naaresto na ng pulisya ang dalawang suspek, kabilang ang isang binatilyo, sa rape-slay sa 11-anyos na babae at pagpatay sa 8-anyos na lalaking kalaro nito sa San Jose del Monte City, Bulacan noong nakaraang linggo.

Miyerkules, Mayo 12 nang nadiskubre ang bangkay ng dalawang bata, na kapwa taga-Barangay Gumaoc East, na iniulat na nawawala simula noong Martes, Mayo 11.

Pinaniniwalaang nasawi ang mga biktima matapos hatawin ng malaking bato sa mukha, base na rin sa isang malaki at duguang bato na natagpuan sa crime scene, bukod pa sa kahoy na pamalo at rubber strap.

Nakumpirma rin sa laboratory examination na ginahasa ang batang babae, na walang saplot nang matagpuan.

Personal na nakiramay si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pamilya ng mga biktima at tiniyak ang mabilisang imbestigasyon para kaagad matukoy ang mga responsable sa krimen.

Ngayong Linggo ng umaga, iniharap ni Gen. Eleazar sa media ang suspek na si Romeo Astelero Ruzon, 41, broom maker; at stepson nitong 16 anyos.

Ayon sa report, Biyernes ng gabi, Mayo 14, nang sinamahan ng kapatid na lalaki at live-in partner ni Ruzon ang tracker team sa pinagtataguan ng huli sa Sampaloc, Maynila para arestuhin ito.

Habang iniimbestigahan ng San Jose del Monte City Police, sinabi ng pulisya na inamin ni Ruzon ang krimen at gumawa na ito ng extra-judicial confession kasama ang isang abogado.

Sa kanyang pahayag, itinuro ni Ruzon ang binatilyong stepson na kasama niya umanong ginawa ang krimen.

Sa imbestigasyon sa binatilyo, inamin umano nito sa pulisya na kasama siya ni Ruzon nang gawin ang krimen.

Nang iharap sa media, sinabi ni Ruzon na pareho nilang ginahasa ang batang babae, ‘tsaka ito hinataw ng bato sa ulo hanggang mamatay.

Hinampas din umano nito ng matigas na bagay ang batang lalaki ‘tsaka ito pinagpapalo hanggang sa bawian ng buhay.

Inamin ng mga suspek na naaasar sila sa dalawang bata tuwing maingay ang mga itong naglalaro sa harap ng bahay ng kanilang bahay.

Ang sinasabing harap ng bahay ng mga suspek ay ang mismong lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang paslit.

Sinabi ni Gen. Eleazar na kaagad na sasampahan ng kaukulang kaso si Ruzon at ang binatilyo, na kapwa nasa kustodiya na ng San Jose del Monte City Police.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Fact check: Viral photos of Robredo supporters at a crowded rally, VP selling fish are fake

Headlines Fact check: Viral photos of Robredo supporters at a crowded rally, VP selling fish …

error: Content is protected !!