fbpx
Home / Showbiz / Matapos talikuran ang showbiz, ito na ngayon si Marco Gallo

Matapos talikuran ang showbiz, ito na ngayon si Marco Gallo

Marco Gallo. Kuha ni Ghemmo Espinueva

Dinumog ng kaniyang fans sa isang Filipino community event sa Italy ang ex-“Pinoy Big Brother” housemate na si Marco Gallo.

Hindi inasahan ng 17 anyos ang mainit na pagsalubong sa kaniya ng fans. Ito ang kaniyang unang public appearance mula nang bumalik sa Italy.

Sa isang exclusive interview sa ABS-CBN Europe News Bureau, ibinahagi niya ang kanyang saloobin nang nakabalik na sa Italya matapos magdesisyong talikuran ang showbiz sa kabila ng acting at modeling projects sa Pilipinas.

“I discovered that ang dami ko palang gagampanan muna bago ako bumalik sa showbiz. Ang dami ko pang iniwan dito. Kailangan kong maging tagumpay dito muna, para maging tagumpay sa ibang bansa,” kuwento ng binata.

Aminadong kabado si Gallo nang humarap muli para mag-perform sa harap ng mga tao.

“Well, siyempre nakakapanibago na naman. Nahihiya pa rin ako kasi sanay ako sa Pilipinas. Ito, bago. Pilipino pa rin ang nanonood pero nadu’n pa rin ung kaba kasi dito ako lumaki. Nandu’n pa rin sa utak ko ‘yung pag-judge ng tao, so takot ako sa mga sasabihin nila. I’m nervous as a first timer na kakanta ako sa ibang bansa,” aniya.

Proud namang sinabi ni Gallo na balik-eskuwela siya ngayon at kumukuha ng linguistics course.

“My dad said that it’s the most important — studies first. Of course, kasi when I was there, I didn’t have the time for it and I was working all the time. So feeling ko it was the best choice. I’m really doing good in school… [Unlike] dati na laging bagsak ‘yung grades ko, I don’t know why now I’m doing good in school, and I am proud of it,” sabi niya.

Samantala, marami pa rin sa kaniyang fans sa Pilipinas ang nagnanais na makitang muli ang kanilang idolo.

Bagamat tinalikuran ang showbiz, aktibo pa rin sa kanyang mga social media account dating housemate ni Kuya.

Excited ring ibinahagi ni Gallo ang kanyang future projects sa modeling. Dagdag pa niya, na bilang paghahanda ay nagsisimula na siyang mag-work out.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com


Check Also

Inspiring celebrity achievers: 2019 edition

Some celebrities chose to finish their education first before starting a showbiz career. However, there …