Home / Entertainment / ALAMIN: Presyo ng ticket sa 2018 Miss Universe

ALAMIN: Presyo ng ticket sa 2018 Miss Universe

MAYNILA — Isang buwan bago ang coronation night ng Miss Universe 2018, umarangakada na ang bentahan ng ticket para sa gustong mapanuod ng live ang Miss Universe pageant sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Thai Ticket Major na namamamahala ng distribution ng ticket para sa Miss Universe sa Disyembre 17, pumapalo sa mahigit kumulang na 80 libong piso (80,000 Php) ang pinaka mahal na presyo ng VIP ticket samantala nasa apat na libong piso (4,000 Php) naman ang pinakamura.

50,000 (Baht Thailand currency) o 80,000 (Php) kalakip ang special package gaya ng Tiara Package, Tiara Entrance, Tiara Lounge, Tiara, Parking (Every 2 tickets purchase), Tiara Lanyard, Tiara Souvenir Gift-set, at after show photo opportunity kasama ang 2018 Miss Universe.

35,000 (Baht Thailand Currency) o 57,000 (Php) kasama ang special package gaya ng Souvenir Gift-set at complimentary drink.

Para naman sa hindi kalakihan ang mga budget.

25,000 (Baht Thailand Currency) – o mahigit kumulang sa 40,000 (Php)

18,000 (Baht Thailand Currency) o 29,000 (Php)

13,500 (Baht Thailand Currency) – 22,000 (Php)

10,000 (Baht Thailand Currency) -16,000 (Php)

6,500 (Baht Thailand Currency) -10,500 (Php)

4,000(Baht Thailand Currency) – 6,500 (Php)

at 2,500 (All Seating) o 4,000 (Php)

Sa pagdaraos ng Miss Universe pageant sa Thailand, inasahan ng Tourism Authority of Thailand sa Pilipinas ang pag-doble ng mga Pilipino na bibisita sa Thailand para magbigay suporta sa Pinay Miss Universe candidate na si Catriona Gray.

Sa Disyembre 17, mapapanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.


NOTE: 1 Baht = 1.61 as of December 6, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credits belong to : www.abs-cbn.com


Check Also

WATCH: Aljon’s message for Karina’s boyfriend

Aljon Mendoza and Karina Bautista held hands before saying goodbye to each other. In an …