fbpx
Home / Showbiz / Ion Perez ng ‘It’s Showtime’ lumalahok sa penitensiya

Ion Perez ng ‘It’s Showtime’ lumalahok sa penitensiya

Maraming artista ang nagpapatuloy sa kanilang mga panata sa kabila ng natamong kasikatan, at isa na rito ang baguhang celebrity na si Ion Perez na napapanood sa “It’s Showtime” bilang si “Kuya Escort.”

Noon pa man, madasalin na raw si Perez at isa sa kaniyang mga panata ay ang paglahok sa penitensiya tuwing Semana Santa.

Kuwento niya, 18 anyos siya noon nang magsimulang sumali sa penitenisya sa kanilang bayan sa Concepcion, Tarlac.

“Sa mga nakikita ko po sa mga nagpapanata, ‘yung ginagawa nila, taos sa puso, tapos nagdadasal sila… Iyun ‘yung gusto kong gawin,” sabi ni Perez.

Pinakita pa ni Perez ang bakas ng hiwa sa kanyang likod galing sa penitensiya.

“Kabilaan po ‘yun, mga 60 ‘yung hiwa namin, para po mas marami ‘yung dugo, saka po matagal ‘yung labas ng dugo kasi po pag konti lang ang sugat hihinto po kaagad ‘yung dugo saka mas masakit po,” paliwanag niya.

Sabi ni Perez, ginagawa niya ito para sa kapatawaran ng kasalanan at para humiling na mapabuti ang kaniyang pamilya.

“Lagi ko rin po kasing pinagdarasal ‘yung mga taong mahal ko, pamilya ko, na walang magkakasakit na grabe.”

At sa Biyernes Santo, kahit pa sikat na, muling sasali si Perez sa penitensiya sa kanilang lugar.


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com


Check Also

Jazz singer Jacqui Magno dies

Jacqui Magno performs in a 2017 episode of the concert variety show “ASAP.” ABS-CBN MANILA—Singer …

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com