fbpx
Home / Showbiz / Audition para sa young Narda, kasado na

Audition para sa young Narda, kasado na

MAYNILA — Kinumpirma ng talent caster na si Nino Valencia ang naglabasan na balita tungkol sa isang magaganap na audition para hanapin ang gaganap sa papel ng batang Narda.

Kasunod ito nang pagpapakilala kay Jane De Leon bilang bagong aktres na gaganap sa papel na Darna.

Ayon sa mga kumakalat na Facebook post, magsisimula ang dalawang araw na audition ngayong Biyernes at Sabado, Hulyo 19-20, sa ABS-CBN compound.

Morenang batang babae na may edad 10 hanggang 12 taong gulang ang hinahanap para gumanap na batang Narda

“Auditions for the next young Narda is on. We are looking for the following talents to be the next young Narda/Jane De Leon. Female, fair to morena complexion, 10-12-years-old, with acting experience,” ayon sa post.

Bukod sa young Narda, inaasahan din ang pagsasagawa ng iba pang auditions para sa iba pang mga karakter sa muling paglipad ni Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com


Check Also

WATCH: Liza, Enrique on what to expect from their teleserye ‘Make It With You’

Liza Soberano and Enrique Gil talk about their teleserye comeback, ‘Make It With You.’ ABS-CBN …

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com