21-anyos nang-rape ng grade 8 student, kulong

Himas-rehas ngayon ang 21-anyos na lalaki matapos nitong pagsamantalahan ang isang 13-anyos na babae sa Malate, Maynila.

Naghain ng reklamo ang ina ng biktima sa pulisya matapos umano ang ginawang pananamantala sa kanyang Grade 8 na anak ng suspek na kinilalang si Harvie Rey Villapaz, residente ng Malate.

Ayon sa report, magkapitbahay ang suspek at biktima. Kinaibigan umano ni Villapaz ang dalagita hanggang sa magkaroon ang dalawa ng relasyon.

Huli na nang malaman ng ina ng biktima na merong relasyon ang menor-de-edad na anak sa lalaki na meron namang ka live-in partner.

Umamin anya sa kanya ang anak na meron siyang relasyon sa suspek may dalawang buwan na.

Nahaharap ngayon sa kasong statutory rape ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Police Station 9 Custodial Facility.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Ilocos farmer-groups urged to adopt solar-fertigation

PRE-SONA UPDATE. National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. (left) gives an update on the Regional …

error: Content is protected !!