3 notoryus na pusher arestado sa Sampaloc

Arestado ang tatlong notoryus na tulak matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruel Fernando, 52; Evelyn Bautista, 52 at Romeo Fernando, 56; pawang residente ng no.1525 Metrica st., Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat, nagbenta ng P500 halaga ng shabu ang mga suspek sa isang pulis. Agad silang inaresto ng mga otoridad.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu, tatlong weighing scale at isang dark blue na pouch.

Nakakulong ang tatlo habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Discounted swab test for tourists extended at PCMC

(File photo) MANILA – The discounted reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test for qualified tourists …

error: Content is protected !!