3 OFWs sa Taiwan nagpositibo sa COVID

Tatlong overseas Filipino workers sa Taiwan ang binabantayan ngayon matapos magpositibo sa coronavirus disease sa kabila nang patuloy na pagtaas ng kaso ng impeksyon sa bansa.

Kasunod nito sinabi ni Manila Economic and Cultural Office chairman Lito Banayo na hindi muna raw papapasukin sa Taiwan ang mga bagong Pinoy na nakatakda sanang magtrabaho sa nasabing bansa.

“Hindi pa rin pinapapasok muna, although nabigyan na sila ng POEA ng kanilang work permits, at meron na silang visa galing sa Taipei Economic and Cultural office,” ayon kay Banayo.

Samantala naka-confine ang tatlong Pinoy na nagpositibo sa virus, dagdag pa ng opisyal.

Ang mga ito ay pawang empleyado ng isang factory, at ang isa sa kanila ay kababalik lamang mula sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

Naka-quarantine naman ang 34 sa kanilang mga close contact samantala ang 7,000 empleyado sa factory na kanilang pinapasukan ay isasailalim naman sa swab test. – Angelica Ilao, intern

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

‘Weak explosion’ detected at Pinatubo

Headlines ‘Weak explosion’ detected at Pinatubo MANILA, Philippines — A “weak explosion” was recorded at …

error: Content is protected !!