3 ‘tulak’ pumalag sa buy-bust, todas

cadaver

NUEVA ECIJA – Tatlong drug suspects ang napatay nang makipagbarilan umano sa mga awtoridad na aaresto sa kanila sa Barangay Bantug Norte sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Biyernes, Mayo 7.

Kinilala ni Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) Director P/Col. Jaime Santos ang mga suspek na sina Daniel Lopez y Lorenzo, Jared Asuncion y Beronio, at Jake Elvambuena y Feliciano.

Ayon kay Col. Santos, nagkasa ang Cabanatuan City Police ng drug buy-bust operation sa Brgy. Barangay Bantug Norte laban sa mga suspek, pero nang makahalatang pulis ang katransaksiyon ay nagsimula umanong mamaril ang tatlo.

Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay ang mga suspek.

Sinabi ni Col. Santos na si Elvambuena ay may arrest warrant sa kasong murder, na inisyu ni Judge Maximo B. Ancheta Jr. ng Regional Trial Court (RTC) Branch 87 sa Gapan City.

Nakumpiska umano mula sa tatlong napatay ang isang homemade .38 caliber revolver na kargado ng bala, isang paltik na .45 caliber pistol na may tatlong cartridges, isang granada, at 10 fired cartridges ng .9mm.

Nakasamsam din umano ang mga awtoridad ng anim na heat-sealed transparent plastic sachets na may 15.16 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P103,088; at isang plastic sachet ng 0.5 grams ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P500.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

‘Bayanihan, Bakunahan’ drive adds 8M to PH vax tally

GAINING PROTECTION. Events place The Tent along C5 Extension Road in Las Piñas City serves …

error: Content is protected !!