3 wanted sa QC tiklo

Arestado ang tatlong wanted sa Quezon City matapos ang magkakahiwalay na operasyon ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) at Cubao Police Station (PS 7), Martes ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga nahuli na si Jerico De Vera, 33, ng Area 6, Sitio Veterans, Brgy., Bagong Silangan. Naaresto si De Vera ganap na alas-8:40 ng gabi ng 5 Enero 2021 sa Area 6, Sitio Veterans Brgy., Bagong Silangan, Quezon City.

Numero uno si De Vera sa listahan ng mga pinaghahanap ng PS 13 matapos namang maglabas ng warrant of arrest si Regional Trial Court (RTC) Branch 106 Judget Cleto R. Villacorta III kaugnay ng kasong rape na isinampa sa kanya. Walang piyansang inirekomenda laban kay De Vera.

Samantala, arestado rin si Paulino Africa, Jr., 33, ng Brgy. Bagong Silangan ganap na alas-9:30 ng gabi sa Area C Purok C, M.H. Del Pilar st., Brgy., Bagong Silangan, Quezon City.

Naaresto rin ang suspek na si Roberto Labayne, alyas JR, 32, ng No. 11 South Road corner 1st Avenue, Brgy., Bagong Lipunan ng Crame, Cubao sa isinagawang operasyon ganap na alas-9:40 ng gabi sa kahabaan ng South Road.

Kabilang din si Labayne sa listahan ng most wanted ng PS 7.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Digos City council IP representative succumbs to Covid-19

Datu Ernesto Salaysay (Photo courtesy of Barangay Goma Facebook Page) DIGOS CITY – The ex-officio …

error: Content is protected !!