4,754 pang contact tracers, ipakakalat sa Metro Manila

Upang paigtingin pa ang contact tracing ng gobyerno, magdadagdag at magsasanay ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 4,754 contact tracers para sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila simula sa Mayo 1.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Bernardo C. Florece Jr., ang mga bagong contact tracers ay kakalapin sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang community-based package assistance program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho, kulang ang kinikita, at hindi regular ang hanapbuhay.

“With the surge of COVID-19 cases, we really need to pool our resources and work together to contain the spread of the virus. Hence, we would like to thank DOLE Secretary Silvestre Bello for agreeing to hire contact tracers under their TUPAD program as this will help boost contact tracing in the metropolis which is the country’s epicenter of the pandemic,” ani Florece.

Sa Laging Handa press briefing nitong Huwebes, April 15, sinabi ni Florece na ang mga bagong contact tracers ay madadagdag sa 10,097 contact tracers ngayon sa National Capital Region (NCR).

Dahil dito, napapalapit nang maisakatuparan ang ideyal na contact tracer ratio na 1:800.

Sa 4,754 contact tracers na idadagdag, Quezon City ang tatanggap ng pinakamaraming bagong contact tracers sa bilang na 1,084, kasunod ang Manila na may 657, at Caloocan na may 585.

Ang alokasyon ng contact tracers sa iba pang Metro Manila LGUs ay ang mga sumusunod: 217 sa Las Piñas; 215 sa Makati; 135 sa Malabon; 143 sa Mandaluyong; 166 sa Marikina; 186 sa Muntinlupa; 92 sa Navotas; 246 sa Parañaque; 154 sa Pasay; 279 sa Pasig; 45 sa San Juan; 297 sa Taguig; 229 sa Valenzuela; at 24 sa Pateros.

Ayon kay Florece, nagluwag sa educational requirement para sa mga contact tracers sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE kumpara sa sariling hiring program ng DILG.

“We want to accommodate the displaced workers from the informal sector so we can hire at least high school or apply as contact tracer,” sabi ni Florece, idinagdag na mas malaki ang tyansang ma-hire ang mga may karanasan nang makipag-ugnayan sa tao.

Ang mga aplikante ay maaaring magpadala ng kanilang application letter, barangay certificate na magpapatunay na sila ay displaced o disadvantaged worker at walang derogatory record, at medical certificate, sa Public Employment Service Office (PESO) sa kanilang lugar.

Pupuwede rin silang mag-email, nang naka-attach ang mga kinakailangang dokumento, sa kanilang local PESO, na ang mga contact details ay maa-access sa bit.ly/PESO-CT-Apply.

Ang mga aplikasyon ay tatanggapin simula ngayong Biyernes, April 16, hanggang sa Huwebes, April 22.

Sasailalim ang mga aplikante sa screening at evaluation ng isang grupo mula sa DILG, DOLE, at Metropolitan Manila Development Authornity (MMDA) at ang mga mapipili ay sasanayin ng DILG-NCR sa mga patakaran at proseso ng contact tracing.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

1 dead, P13.6M more shabu seized in Sulu sting

A drug suspect was killed, six more were arrested and another P13.6 million worth of …

error: Content is protected !!