6 pa patay sa COVID-19 sa CAMANAVA

Anim pa ang naitalang nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) sa huling araw ng Marso 2021.

Ayon pa sa datos, sa kabuuan, umabot na sa 1,440 ang mga namatay dahil sa COVID-19, samantalang 4,588 ang nananatiling aktibong kaso sa CAMANAVA.

Tatlo ang naitalang nasawi sa Navotas City, na may 1,366 aktibong kaso, 78 ang nadagdag sa mga nagpositibo at 12 ang gumaling,

Samantala, dalawa naman ang namatay sa Malabon na may kabuuang 326 na ang nasawi, ayon sa City Health Department.

Dahil sa 71 kumpirmadong kaso, umabot na sa 9,381 ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, samantalang 1,063 ang nananatiling aktibong akaso.

Isa naman ang nasawi sa Caloocan City, na may 1,087 aktibong kaso ng COVID-19, 18,011 ang kabuuang kaso, 16,735 dito ang gumaling at 549 ang nasawi.

Wala namang naitalang namatay sa Valenzuela sa kaparehong araw bagamat nananatili sa 1,072 ang aktibong kaso matapos na magpositibo ang karagdagang 204 indibidwal sa virus, samantalang 34 naman ang gumaling.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

This WhatsApp feature lets users quickly access important messages

The popular instant messaging app WhatsApp offers a feature that allows users to save important …

error: Content is protected !!