7 arestado sa sabong sa Las Piñas

Arestado ang pito katao, kasama na ang dalawang estudyante matapos na maaktuhang nagsasabong sa isang bakanteng loto sa Las Piñas City, Sabado ng hapon.

Sa ulat mula sa Southern Police District Las Piñas City Police Station, kinilala ang mga naaresto na sina Jerry Rosas, 35, ng Pakwan st., Golden Acres, Talon 1, Las Piñas City; Angelo Mabangay, 18, estudyante, ng B13 L29 Langka st., Golden Acres, Talon 1, Las Piñas City; Marccelo Montano, 40; Carlo Batan, estudyante; Jerry Romorquez, 43; at Richard Lumawag, 50, na pawang taga Golden Acres, Talon 1.

Base sa imbestigasyon, nagsagawa ng raid ang mga pulis sa pagitan ng alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi matapos na makatanggap ng ulat kaugnay ng sabong sa lugar na paglabag sa health protocol at Presidential Decree (PD) 1602.

Kabilang sa mga nakumpiska sa lugar ang mga perang panaya at ang dalawang panabong.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Ilocos farmer-groups urged to adopt solar-fertigation

PRE-SONA UPDATE. National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. (left) gives an update on the Regional …

error: Content is protected !!