‘Ako lang ba gumagawa non?’: Ivana Alawi inaming nag-drunk call sa mga ex

Screenshot galing sa vlog ni Ivana Alawi

Hindi itinanggi ng sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi na minsan na niyang nagawang mag-drunk call sa mga dating naging kasintahan.

Sa kaniyang pinakabagong vlog, naglaro si Ivana kasama ang kapatid nitong si Hash ng “Never Have I Ever” kung saan iinom sila ng alak kapag oo ang kanilang sagot sa katanungan.

Nang tanungin kung nagawa na ba nilang tumawag sa mga ex habang lasing, natawa na lamang si Ivana at inaming nagawa na niya ito.

“Ako lang ba gumagawa no'n?” tanong nga aktres lalo pa’t hindi pa umano ito nagagawa ng kaniyang kapatid.

Sinabi rin nito na hindi lang tawag ang ginawa niya noon kung 'di maging text at video call nang nakainom.

“Drinunk text ko rin baka tanungin ha. Drinunk text, drinunk call, drinunk video call. Maraming drunk pero 'di ko siya pinuntahan,” kuwento ni Ivana.

“Hindi na kita tatawagan,” pahabol pa nito.

Nagkabukingan din ang dalawang magkapatid nang matanong kung gumamit na ba sila ng dating apps.

Unang itinuro ni Ivana si Hash na mayroon umanong Tinder account ngunit ibinalik din ito sa kaniya ng kapatid.

“Hoy, wala akong Tinder. Kapal ng mukha mo,” pagtatanggi ng vlogger ngunit kalauna’y inamin din niya.

Ayon kay Ivana, may pinagdaraanan siyang problema sa pag-ibig noon at naghahanap ng kausap kaya naisipang gumamit ng dating app.

“Nilaglag mo ako. Broken ako nu’n. Gusto ko ng ka-chat. Pero hindi ako nakipagkita. Chat chat lang. Pero matagal ko nang dinelete,” depensa ni Ivana.

Matapos ang ilang round ng tanungan, unti-unti nang nalasing ang aktres na nasaktuhan pa ng pagdating ng kanilang ina.

“Ang aga-aga n'yo, ano ba gusto n'yo?” tugon ng ina ng dalawa na pinuntong hindi pa sila nanananghalian.

Panoorin ang kabuuan ng vlog dito:

RELATED VIDEO:

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Prince Harry, Meghan Markle turn down son’s title Earl of Dumbarton

MANILA, Philippines — Prince Harry and Meghan Markle turned down their son Archie's title Earl …

error: Content is protected !!