Alexa Ilacad, inaming nakaranas ng burnout dahil sa new normal setup

Mula sa Instagram account ni Alexa Ilacad

Kagaya ng maraming tao, hindi rin nakaligtas ang aktres na si Alexa Ilacad sa pakiramdam ng pagkapagod sa gitna ng new normal setup dahil sa pandemya.

Sa isang virtual press conference, ibinahagi ng aktres na nakakaramdam ito minsan ng pagod at lungkot lalo pa’t mag-isa lamang siya sa lock-in tapings.

“I think that’s normal when you get tired, na-bu-burnout. Especially with the new normal, the lock-in tapings, my experience is I’m alone. I don’t have a PA. So sometimes it can get tiring,” ani Ilacad.

Kuwento pa ng aktres na kasama sa cast ng bagong seryeng “Init sa Magdamag,” madalas kapag umuuwi ito sa kanilang tahanan ay nagpapahinga na lamang ito dahil sa sobrang pagod.

“It can get sad honestly. I would segue for a movie, tapos 'Init Sa Magdamag' then back and forth so I was alone for a long time and I felt really tired. So every time I get the chance to come home, I really just rest and read the script,” saad nito.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ilacad sa staff at mga direktor ng serye dahil kinakamusta umano sila palagi at binibigyan ng pahinga kung kinakailangan.

“They didn’t make us feel pressured at all. They asked, ‘Do you need a day off to just study everything?’ Sobrang na-appreciate ko talaga 'yun kasi I really needed it,” pag-amin ng aktres.

Malaking tulong aniya ang konsiderasyong ibinibigay ng mga kasamahan sa palabas upang mas mapag-igihan ang kaniyang pag-arte sa bawat eksena.

“I think that really helps and it energizes us as actors na ma-inspire lalo sa ginagawa namin and sa mga scenes to come,” dagdag pa ni Alexa na makakapareha si Gab Lagman sa palabas.

Masaya rin ang aktres na tinaggap ang proyekto kahit na halos maubos siya sa hinihingi ng serye sa kaniyang karakter.

Bagamat mahirap at iba sa mga nakasanayang roles noon, nakatulong umano ang “Init sa Magdamag” upang mas lalo siyang makatanggap ng iba pang mas challenging na karakter sa susunod.

“It asked for everything and talagang na-drain ako but I’m really happy I accepted this role. Yes it is challenging and yes for me it is daring. I’m already 21 so I think it’s about time that I can explore my range in acting and more experience to play more roles,” paglalahad ni Ilacad.

Gaganap ang aktres bilang kapatid ni Gerald Anderson ngunit hindi naman aniya siya magpapa-sexy sa serye.

“It’s not very pa-sexy and all, pero sa acting and sa depth nung character, para sa akin it is daring,” pagbabahagi nito.

Mapapanood ang “Init sa Magdamag” sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Miss Universe 2021 officially names Filipinos Marian Rivera, Patrick Starrr as selection committee members

Entertainment Miss Universe 2021 officially names Filipinos Marian Rivera, Patrick Starrr as selection committee members …

error: Content is protected !!