Anak ni Sunshine Cruz na si Sam, excited makasama ang mga Kapamilya singer

Larawan mula sa Instagram ni Sam Cruz

Hindi maitago ng anak ng aktres na si Sunshine Cruz at aktor na si Cesar Montano ang kasiyahan nang opisyal na pumirma ng eksklusibong kontrata sa talent agency ng ABS-CBN na Star Magic nitong Martes.

Kasama ang 12 pang ibang bagong artista, sinalubong ng Star Magic si Sam Cruz bilang kabahagi ng bagong barkada na “Squad Plus.” Dinaluhan mismo ni Star Magic head Lauren Dyogi ang contract signing event na binansagang “Star Magic Plus.”

Ayon kay Cruz, isang pribilehiyo sa kaniya ang mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang mga batikang mang-aawit ng Kapamilya network sa pagsali niya sa Star Magic.

Ayon sa 16-anyos na baguhang aktres, paborito niyang singer si Moira Dela Torre na nakasama na rin niya sa “ASAP Natin ‘To.”

“It’s really a big privilege to sing with these amazing, legendary singers. But for me, my favorite would have to be Ate Moira (Dela Torre) as well ‘cause my favorite song’s ‘Torete’ and we actually had the chance to sing that with her,” pagbabahagi ni Cruz na lumabas din sa seryeng “Unloving U.”

Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga nasa likod ng kaniyang pagkakasali sa talent agency.

Watch more in iWantTFC

“I’d like to thank all my supporters and of course, my family, my friends, and Direk Lauren (Dyogi), Dreamscape, and Star Magic. I’m so glad to be part of this family. And, of course, my manager, Tito Arnold Vegafria, and everyone else who has been helping me go along and grow as a person and as an artist,” saad ni Cruz.

Bukod kay Cruz, pumirma rin ng kontrata sa Star Magic sina Anji Salvacion, KD Estrada, Angela Ken Roxas, Ashton Salvador, Renshi Rueso, Raven Rigor, Jimuel Pacquiao, Danica Ontengco, Angelica Lao, Analain Salvador, Keann Johnson and Nio Tria.

Related video:

Watch more in iWantTFC

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony

Entertainment JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!