‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ cast bumisita sa ‘ASAP’ para sa nalalapit na finale

Bumisita sa ‘ASAP Natin ‘To’ ang cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ na nakatakdang matapos sa Marso 19, 2021. Screengrab

MAYNILA – Tampok sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo ang cast ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” para imbitahan na ang mga manonood na tutukan ang huling linggo ng hit primetime serye.

Kinanta sa “ASAP” ng cast members na sina Iza Calzado, Sam Milby, Joseph Marco, Kira Balinger at Grae Fernandez ang theme song ng serye, kasama ang bandang Aegis na orihinal na nag-perform ng kanta.

Bukod doon, nag-duet din sina Fernandez at Balinger ng “Tayo Lang” ni LA Santos.

“Sa aming nalalapit na pagtatapos, samahan niyo kami, mga Kapamilya, sa huling linggo na punong-puno ng pasabog. Sino nga ba ang naagawan at sino ang nagpaagaw?” sabi ni Calzado bilang pag-imbita sa mga manonood para subaybayan ang finale ng serye.

Agosto 2020 nang mag-premiere ang serye, na sinusundan ang alitan sa pagitan ng dating magkaibigang sina Marissa Pineda (Jodi Sta. Maria) at Ellice Ceñidoza (Calzado).

Mapapanood ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11 at TV5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

LIST: Emmy Awards 2021 winners in key categories

Entertainment LIST: Emmy Awards 2021 winners in key categories LOS ANGELES — Here is a …

error: Content is protected !!