Bagong single ni Maymay, Top 2 agad sa iTunes

Maymay Entrata

Namamayagpag kaagad ang bagong single ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata dahil kaagad na pumuwesto sa Top 2 sa iTunes ang kanta niyang “Di Kawalan.”

Ngayong Biyernes, Mayo 21, ang official release ng latest single ni Maymay.

Nag-trending ito sa Twitter ngayong Biyernes, gamit ang #DiKawalanByMaymay.

Taong 2017 nang inilabas ni Maymay ang kanyang self-titled album sa ilalim ng Star Music, kung saan nakapaloob ang dalawa niyang kanta, ang “Baliw” at “Titig ng Pag-ibig.”

Produkto ng Pinoy Big Brother, kamakailan ay bumida si Maymay sa cover ng Dubai-based magazine na Xpedition. (Maria Arcardo, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally

Headlines Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally MANILA, Philippines — Quezon …

error: Content is protected !!