Baguhang singer na si KD Estrada nais din subukan ang pag-arte

Mula sa Instagram page ni KD Estrada.

Bagama't unang nakilala sa pagkanta, umaasa ang baguhang aktor na si KD Estrada na mabibigyan pa ito ng mga acting project matapos ang unang lumabas sa iWant series na “Unloving U.”

Sa kaniyang panayam sa “Showtime U”, inamin nitong nagustuhan din niya ang pag-arte matapos masubukan at matutunan kahit saglit lamang noon.

“I’d love to try more acting projects. My first acting project was 'yung sa Unloving U and I really enjoyed it. I learned so much in such a few days so I almost fell in love with it so of course I’d love to try it more,” ani Estrada.

Nagsimula ang isa sa bagong miyembro ng “Squad Plus” sa pag-awit lamang sa video-sharing app na TikTok bago tuluyang napansin at makapasok sa showbiz.

“I wasn’t even a singer two years ago. Sinubukan ko lang mag-sing. I started sa Tiktok para mataas kaagad ang views when you start there,” kuwento ng batang artista.

Kaya naman labis ang kaba ni Estrada sa una nitong labas bilang miyembro ng Squad Plus lalo pa’t makakasama niya ang mga artista na dati lamang ay napapanood niya sa telebisyon.

Naging motibasyon na rin aniya ang makatrabaho ang mga ito nang madalas upang pag-igihan ang trabaho.

“I was mostly nervous because I was going to be with the artists that I only see on television or mall shows. And now I’ll be with them regularly. So it pushes me to improve myself talaga,” dagdag ni Estrada.

Pangarap ng singer na magkaroon ng collaboration kay OPM icon Gary Valenciano ngunit pagtutuunang-pansin umano muna niya ang pagpapahusay sa kaniyang talento.

“Someday I definitely want to collaborate with sir Gary Valenciano. A dream performance would be I’d sing solo tapos birit talaga. But of course not now. I’d still have to work on my voice for it but not now,” saad nito.

Nais niya umanong mahanap ang sariling boses na hindi kailangan bumirit upang maging kilala sa pag-awit.

“I don’t believe na you have to be birit or you have to do a lot of runs to be famous and stuff. I think you just need to have a certain appeal with your voice and everything you do,” ani Estrada.

Nitong Marso lamang, isa si Estrada sa mga pumirma ng kontrata sa talent agency ng ABS-CBN na Star Magic.

RELATED VIDEO:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann

Entertainment Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann MANILA, Philippines …

error: Content is protected !!