Baguio police ipinagtanggol ang paggamit ng yantok

BAGUIO CITY– Tiniyak ni Baguio City Police Chief Police Col. Allen Rae Co na mas mararamdaman ng publiko na sila ay ligtas kapag nakikita na yantok ang hawak ng pulis imbes na baril.

Idinagdag ni Co na hindi dapat matakot ang mga mamamayan sa yantok na dala-dala ng mga pulis.

Ayon pa Co, gagamitin lamang ng mga pulis ang mga stick para pagbawalan ang mga pasaway.

Nauna nang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang pagdadala ng yantok para masiguro na nasusunod ang physical distancing sa harap naman ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Nagpaalala na rin ang Palasyo sa PNP na dapat ay panukat lamang para sa isang metrong distansiya ang silbi ng yantok.

Siniguro na rin ni Joint Task Force COVID Shield chief Lt. Gen. Cesar Binag na mapipilitan lamang ang mga pulis na idepensa ang sarili sa mga delikadong sitwasyon.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

MSD starts enrollment for Phase 3 clinical trial of molnupiravir

MSD in the Philippines (tradename of Merck & Co., Inc., Kenilworth, N.J., USA (NYSE: MRK) …

error: Content is protected !!