BALIKAN: Saan nag-ugat ang tensiyon sa pagitan nina Nadine, Viva?

Nadine Lustre. Michael Bagtas, ABS-CBN News/File

MAYNILA – Enero 27, 2020 nang ianunsiyo ni Nadine Lustre, sa tulong ng kaniyang abogado, na kumakalas na siya mula sa kaniyang kontrata sa Viva Artists Agency, at siya na ang magma-manage sa kaniyang sarili.

Umalma ang Viva, na sinasabing valid ang pinirmahang kontrata ni Lustre na siya ay exclusive talent nito hanggang Hunyo ng 2029.

Pansamantalang nanahimik ang isyu pero noong Disyembre 11, tuluyan nang nagsampa ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court ang Viva Artists Agency laban kay Lustre dahil sa anila’y paglabag nito sa kontrata niya sa Viva.

Binalewala umano ng aktres ang kaniyang exclsive management contract dahil sa pakikipagnegosasyon nito sa advertisers, promoters o third parties nang hindi dumadaan sa Viva.

Ayon sa abogado ng Viva Artists’ Agency (VAA) na si Chino Paolo Roxas, dapat igalang at irespeto ni Lustre ang kontrata at paalala rin umano ito sa third parties na ano mang diretsahang negosasyon kay Lustre ay paglabag sa kaniyang kontrata sa Viva.

“Ms. Lustre should honor and respect the sanctity of contracts and that third parties are put on notice that any direct dealings with Ms. Lustre for her services as a performing artist or endorser shall be in violation of Ms. Lustre’s contract with VAA,” ani Roxas.

Bumuwelta naman si Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Lustre at sinabing lalabas din ang katotohanan lalo na sa diumano’y pagiging mapagmalabis, mapaniil, at mapang-abusong gawain ng Viva Artists Agency.

Kinontra rin ni Kapunan ang Viva at sinabi nila na ang kompanya dapat ang kasuhan ng breach of contract at handa silang patunayan ito sa korte.

“The contract is an Agency contract and Nadine is the Principal — and it is the right of the Principal to terminate the Agent when it is not performing its commitments under the Agency Agreement,” ani Kapunan.

Guilty rin daw ang Viva sa pangingialam at pananakot sa ilang third parties na dumidiretso kay Lustre.

Giit ni Kapunan, self-managed na si Lustre ngayon at karapatan niya ito lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Nadine is now self-managing which she has every right to do especially during this difficult pandemic,” aniya.

Dagdag ni Kapunan, ang laban ni Lustre ay laban din ng ilan pang artistang nasa parehong sitwasyon.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

RELATED VIDEOS:

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

TikTok star Bella Poarch says Philippines is still ‘home’ despite traumatic childhood

MANILA, Philippines — Bella Poarch remained a mystery for most TikTok fans since she started …

error: Content is protected !!