Blink di natuwa sa ‘pang-ookray’ ni Mimiyuuuh sa BlackPink

Hindi nagustuhan ng mga fans ng BlackPink ang ginawang pang-iinsulto ng YouTube sensation na si Mimiyuuh sa isa sa mga miyembro ng sikat na K-pop group.

At dahil dito, dali-dali namang nag-apologize si Mimiyuuh sa Blink (tawag sa mga fans ng BlackPink) dahil sa tila pang-insultong paggaya niya sa isa sa mga miyembro nito.

Ayon kay Mimiyuuh wala siyang intensyon na siraan o insultuhin ang super K-pop group nang ilagay niya sa pinned comment ng kanyang vlog ang “Mimiyuuuh as Lisa Manoban for a day”.

“Hi guys! I hope you are all safe and sound! I deleted the parts that are offensive especially to Rosé and her fans. I did not mean to offend anyone! This video was supposedly made purely for entertainment but I overlooked some skits that may upset the blinks. It doesn’t change the fact that I love these girls. I’m so sorry and this will never happen again. Take care and keep safe!” aniya.

Isa sa bahaging tinanggal ni Mimiyuuh sa kanyang vloy ay nang sabihin niya na may kuto si Rose, isa sa mga miyembro ng grupo, dahil sa madalas na pagbabago nito ng kulay ng buhok.

Sinagot din niya ang mga paratang ng ibang blinks na ginagamit niya ang grupo para siya sumikat.

Chika ni Mimiyuuh na 2016 pa siya fan ng grupo. “I’ve been here since ‘Whistle’ and ‘Boombayah.’ I’ve been supporting them since,” chika pa ng YouTube star.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

This WhatsApp feature lets users quickly access important messages

The popular instant messaging app WhatsApp offers a feature that allows users to save important …

error: Content is protected !!