Body cam gagamitin na ng PNP

Magkakaroon na ng mata at tenga ang publiko sa mga police operation dahil inilunsad na ng National Police ang paggamit ng body camera sa tuwing may operasyon ang pulisya.

Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, ang body worn camera ay hindi lamang proteksyon para sa publiko kundi maging sa hanay ng mga matitinong pulis na madalas ay napagdududahan dahil sa mga maling akala.

Aabot sa 171 police unit ang tumanggap ng 3,000 body camera na gagamitin sa mga anti-illegal drugs operations, pagsisilbi ng warrant of arrest o search warrant, rescue oepration at sa mga checkpoint at pagpapatrolya.

“Today, the Filipino people will finally have the eyes and ears in law enforcement and in the implementation of peace and order in the country,” ayon kay Eleazar sa launching ng body camera system sa Camp Crame nitong Biyernes.

Tanging mga city police offices sa limang distrito sa Metro Manila ang nabigyan ng body camera.

Samantala, ilang kritiko naman ang nagsabi na walang silbi ang paggamit ng body camera sa mga operasyon ng pulisya, dahil madali nilang masasabi na nawalan ng batteries o nagloko ang gamit nilang camera sa gitna ng kanilang trabaho.

Pinaalalahanan naman ang mga miyembro ng pulisya na gagamit ng body cam na hindi nila maaaring i-off ito habang nasa gitna sila ng operasyon. – Maria Josephine Arcado, intern

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Rare white sperm whale — like Moby Dick — captured on video

Science A sperm whale with the same rare colouring as the fictional Moby Dick has …

error: Content is protected !!