BRP Gabriela Silang nakarating na sa Virac para magbigay ng tulong

Nakarating na ngayong araw ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Virac, Catanduanes para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng mga bagyo, partikular ng super typhoon Rolly.

Naglayag ang barko mula sa Maynila ng Lunes, 7 Disyembre 2020.

Maghahatid ang BRP Gabriela Silang ng 65 na toneladang pagkain, gamot, hygiene kit, at iba pang relief supplies.

Nakalap ang mga suplay mula sa tulong ng iba’t ibang organisasyon at pribadong indibidwal na nakipag-ugnayan sa PCG.

Matatandaang matinding hinagupit ng super typhoon Rolly ang Catanduanes matapos na manalasa sa bansa noong Nobyembre.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Roque, Galvez to bring solutions to Iloilo City’s Covid woes

MASSIVE INOCULATION. The ongoing Covid-19 vaccination at the University of San Agustin (USA) on Wednesday …

error: Content is protected !!