Camille Prats, napagkamalan ng JaMill fans

Camille Prats

Nakatanggap ng iba’t ibang private messages mula sa netizens ang Kapuso actress na si Camille Prats matapos siyang mapagkamalan bilang ang YouTube star na si Camille Trinidad ng “JaMill” duo, na kamakailan ay na-involve sa third party controversy.

Sa Facebook post ni Camille nitong Huwebes, Abril 22, ibinahagi ng aktres ang screenshots ng mga pribadong mensahe na kanyang natanggap mula sa fans ng JaMill.

“Hi everyone! Been getting alot of private messages like these. I was also getting tagged and my photo also being posted.

“Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion. Ibang Camille po iyon,” paliwanag ni Camille sa kanyang Facebook post.

Camille Prats post

Nagkamaling magpaabot ng private messages kay Camille Prats ang fans ng JaMill kasunod ng issue sa umano’y pagkakaroon ng third party sa panig ng live-in partner ni Camille Trinidad na si Jayzam Manabat.

Samantala, nilinaw ng Kapuso actress sa kanyang Facebook post at sa isang Instagram Story ang tungkol sa screenshot ng convo umano niya sa isang concerned netizen.

Giit ni Camille, “EDITED” ang convo dahil wala naman siyang sinasagot sa mga JaMill fans na nagpapadala ng mensahe sa kanya.

“The convo on the right was EDITED. I didn’t reply to anyone just like the message shown below,” paglilinaw ni Camille.

“Appreciate your kind messages guys but you got the wrong ‘Camille’,” sabi pa ng Kapuso actress. (Khryzztine Joy S. Baylon, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Lakas-CMD adopts Marcos Jr. as presidential bet, sealing tandem with Sara

Headlines Lakas-CMD adopts Marcos Jr. as presidential bet, sealing tandem with Sara MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!