Dahil sa kanyang Tita Angel Locsin, Alyanna Angeles nais ding pasukin ang charity work

Mula sa Instagram account nina Alyanna Angeles at Angel Locsin

Hindi na lalayo pa ang baguhang artista na si Alyanna Angeles sa iniidolo nito sa showbiz dahil mismong ang kaniyang tiyahin na si Angel Locsin ang tinitingala nito sa pag-arte at sa pagtulong sa kapwa.

Kagaya ng sinasabi ng nakararami, real-life hero rin ang tingin ni Angeles sa beteranang aktres lalo na sa dami nitong natutulungan mula noon.

“I really look up to tita Angel kasi sa lahat ng strengths niya, sa advocacies niya, and super matulungin sa tao. Di ba sinasabi nila na she’s a real-life hero,” ani Angeles na kabilang sa grupong Squad Plus.

Dagdag pa niya, umaasa rin siyang magiging mahusay siyang aktres sa hinaharap kagaya ni Locsin, bukod pa sa pagkakaroon ng mabuting kalooban ng tiyahin.

“I like the way she acts and how she has her feet on the ground pa rin. How she has a good heart despite kung sino na siya ngayon. And gusto ko rin na magaling siya mag-acting,” kuwento nito.

Kung saka-sakali, nais ni Angeles na makausap ang tiyahin tungkol sa charity work nito dahil gusto niyang tumulong din sa ibang tao sa susunod.

“I think I would like to talk to her more about that because I have to educate myself more. I’m still young. So maybe in the future I would also consider doing that,” saad ni Alyanna.

Nagpaabot din ang batang aktres na kasama sa cast ng “Huwag Kang Mangamba” ng mensahe para kay Locsin, na nalagay sa kontrobersya noong kaarawan nito dahil sa itinayong community pantry.

Alam aniya na hindi ginusto ni Locsin ang nangyari sa isang senior citizen na pumanaw habang nakapila.

“Tita Gel, I just hope you stay strong and we all believe in you, and we hope you are okay since hindi mo naman kasalanan 'yung nangyari. And we know that your intentions are pure, and you just want to help people out,” pahayag nito.

Ibinahagi rin ni Alyanna na akala niya ay hindi para sa kanya ang pag-arte noong bata pa lamang siya, lalo pa’t hirap umano siya managalog noon.

“So medyo nahirapan ako at first. I just took the opportunity since minsan lang naman may opportunity na ganyan. And a lot of people have talent but not everyone is given the opportunity, so I won’t let it go to waste.”

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann

Entertainment Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann MANILA, Philippines …

error: Content is protected !!