Desiree del Valle nagbabala sa publiko tungkol sa nagpapanggap na delivery

Desiree del Valle nagbabala sa publiko tungkol sa nagpapanggap na delivery 1
Mula sa Instagram ni Desiree del Valle

Nagpaalala ang aktres na si Desiree del Valle sa publiko na mag-ingat sa mga manloloko na magpapanggap na may ipadadala mula sa Philippine Postal Service.

Ito ay matapos makatanggap ng text message kung saan mayroon umano itong parcel na matatanggap at kailangan buksan ang link na binigay.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na kapag binuksan ang nasabing link, hihingin ang personal detalye ng bibiktimahin at manghihingi ng P50 na transaction fee gamit ang credit card.

“You may also have received something like this…. this number sent me a message that linked to the account of the phil. postal service… They will ask if delivery to your home or pick up then will ask ur personal info Name, number etc then will ask you to pay the 58 pesos fee for the transaction using ur credit card?!!!?” saad ni Del Valle.

Ngunit dahil naramdaman nito na scam ang mensahe, sinubukan niyang tawagan ang numero pero binababaan umano siya ng mga ito.

“Just goes to show that this is a SCAM and I know I am not expecting any kind of delivery nor ordered that will have to go thru the postal service,” pahayag ng aktres.

Nitong Hunyo, ibinahagi rin ni Del Valle na lalaki ang magiging anak nila ng kaniyang asawang si Boom Labrusca. Unang inanunsyo ng dalawa ang pagbubuntis ng aktres noong Mayo.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

‘Nagpapasalamat ako anak’: AJ Raval’s mom supports Aljur Abrenica’s revelation

Entertainment ‘Nagpapasalamat ako anak’: AJ Raval’s mom supports Aljur Abrenica’s revelation MANILA, Philippines — Alyssa …

error: Content is protected !!