Diether Ocampo, balik sa pag-arte sa bagong teleseryeng “Huwag Kang Mangamba”

Galing mula sa trailer ng "Huwag Kang Mangamba"


Magbabalik-telebisyon na ang aktor na si Diether Ocampo na napabilang sa cast ng inaabangang inspirational series na “Huwag Kang Mangamba.”

Ayon sa 46-anyos na aktor, pinag-isipan niya umano maigi kung tatanggapin ang proyekto noong inalok sa kaniya dahil gusto niyang malaman kung may maibibigay ba siyang bagong karakter sa mga manonood.

“Itong project na ito, when it was offered to me, I really took time to study it and see what more I can offer because sa mga katulad namin, hindi puwede na magpabaya,” tugon ni Ocampo sa media conference ng palabas.

“I always have to give something new, contribute to the industry in my own capacity at least para lalong makapagbigay ng kasiyahan sa ating mga manunuod.”

Kuwento pa ng aktor na huling lumabas sa iWant digital film na "Sunday Night Fever," nang mapag-aralan umano ang ibinigay sa kaniyang karakter sa “Huwag Kang Mangamba,” napagtanto niyang mayroon pang aspeto ng kaniyang sarili ang hindi pa niya napagtutuunan ng pansin.

“Madami akong ginagawa to be honest. I was busy doing some conditioning physically and mentally and when this project was offered to me it was also parang a reminder for me because when the story was revealed to me, dun ko na-realize na meron pa palang isang aspeto ng buhay ko na hindi ko nate-train, which is my faith,” ani Ocampo.

Ito naman umano ang naging focus niya para sa palabas — ang pag-ibayuhin ang kaniyang pananampalataya.

“So that’s why spiritually I also need to renew my faith. I also need to do some training for that. Kaya naging abala ako dun during the whole time,” dagdag pa ng aktor na kasama sa second batch ng Star Circle na ipinakilala noong 1996.

Nagpapasalamat naman ito dahil muli siyang nabigyang ng pagkakataon na magbalik-teleserye lalo pa’t maraming artista ang nag-aabang ngayon ng proyekto dahil sa pandemya.

“I’ve been very, very thankful and blessed to be offered this kind of project kasi siyempre ang dami rin nag-aabang ng mga proyekto. Pero to be part of this very timely project, I guess everything just fell into place and I’m very thankful for that,” tugon nito.

Bago ang nasabing proyekto, naging abala si Ocampo sa pagpipinta kung saan lumahok pa ito sa isang art exhibit. Ito ay bukod pa sa pag-aaral nito bilang isang piloto.

“Bago mag-pandemic, in fact, I was busy just painting, doing a lot of art. Recently I joined an art exhibit in Pinto gallery. That’s the one in Antipolo. Also, I was quite busy finishing my flight school kaya lang naantala because nagkaroon nga ng pandemya,” saad ng aktor.

RELATED VIDEO:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Jao Mapa compares ’90s actors to today’s stars

Entertainment Jao Mapa compares ’90s actors to today’s stars MANILA, Philippines — Returning actor Jao …

error: Content is protected !!