fbpx
Home / Showbiz / Dimples Romana binabangon ang negosyong naapektuhan ng pandemya

Dimples Romana binabangon ang negosyong naapektuhan ng pandemya

Dimples Romana. Instagram: @dimplesromana

MAYNILA — Bukod sa kaniyang inaabangang serye sa Kapamilya network, abala si Dimples Romana sa unti-unting pagbangon ng negosyo niyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Nasa 6 na branch ng beauty salon ng “Kadenang Ginto” actress ang nagsara noong taon dahil sa pandemiya.

Pero nitong 2021, unti-unti umanong bumabangon ang negosyo at muling nabibigyan ng trabaho ni Romana ng trabaho ang mga empleyado.

“Mayroon talagang epekto ‘yan sa negosyo. It could be letting go of some people, it could be branches temporarily closing,” ani Romana.

Sinasamantala ni Romana ang panahon habang hindi pa nagsisimula ang isang bagong seryeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN.

Watch more in iWantTFC

Proud din ang aktres na may sariling serye ang Gold Squad, na mga anak-anak niya umano sa “Kadenang Ginto.”

“They still text me every now and then and I feel very honored that these children are still in touch with me and they ask me several questions about life and about acting,” ani Romana.

Pero ang pinakainaabangan umanong role ni Romana ay ang pagignig matron of honor sa best friend niyang si Angel Locsin.

Bulong-bulungan ngayon na Pebrero ang kasal ni Locsin sa film producer na si Neil Arce.

“I am unsure if it’s really gonna happen next month,” ani Romana.

Si Romana din umano ang punong-abala si bachelorette party para kay Locsin.

“Parang wala naman kaming stripper parang hindi naman kami ganoon… Ang bachelorette namin supposedly ay camping so it’s like a bonding,” aniya.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

Baron Geisler on how he dealt with anxiety and depression

Been there, done that. “This is not new to me,” admitted Baron Geisler when asked …