Driver ni Pasig City mayor Vico Sotto nasawi sa COVID-19

Naka-self quarantine ngayon si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos magpositibo at masawi sa COVID-19 ang kanyang driver.

Ayon kay Sotto, sumailalim na siya sa RT-PCR test nitong weekend at dalawang linggo umano siyang hindi lalabas ng bahay kung kayat pinakansela na niya ang lahat ng kanyang appointment at meeting.

“Kasalukuyang ako ay naka-quarantine. Nag-COVID-19 test na ako kahapon bilang ako po ay isang close contact. Strictly susunod tayo sa protocols natin. Hindi muna ako makakapasok sa trabaho at kinacancel ko muna ang appointment o meeting. Kung maaari ay i-Zoom, Viber, text, and phone call muna ang pagtatrabaho,” ayon sa alkalde sa kanyang Facebook Live.

Ikinuwento rin ni Sotto na huli niyang nakita ang kanyang driver noong nakaraang Miyerkules bago ito dalhin sa ospital. Nasawi ang driver nitong Biyernes.

“Nung nakaraang Biyernes ay nawalan tayo ng isang matalik na kaibigan dahil sa COVID-19, siya ‘yung driver ko kaya talagang close contact ako bagama’t sumusunod naman ako sa health protocols,” dagdag pa ng alkalde.

“Nakikiramay tayo sa pamilya ni Kuya Vener, sa mga kaibigan. Wednesday kami huling nagkita bago siya isinugod sa ospital,” pahayag pa ni Sotto.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Deputy Ombudsman: Bong Go did not influence government-Pharmally contracts

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go nor “anyone powerful from Malacañang” did not ask the Procurement …

error: Content is protected !!