Ex-Army kalaboso sa pangre-rape sa batang kaanak

Kulong ang isang dating sundalo na inaresto nitong Sabado ng gabi, Abril 25, dahil umano sa apat na taong panghahalay sa isang 10-anyos na babaeng kamag-anak sa Barangay Saba sa Hermosa, Bataan.

Kinilala ni Police Maj. Melanio Santiago, hepe ng Hermosa Police, ang nadakip na si Danilo Lalin, 48, residente sa lugar.

Inaresto ang suspek sa tulong ng mga tauhan ng Sangguniang Bayan ng Hermosa, ng mga kagawad ng Bgy. Saba na sina Luz Samaniego at Liza Tolentino, at ng barangay health worker na si Maricar Valiente.

Napag-alaman na taong 2017, at anim na taong gulang lang noon ang biktima, nang simulan umano itong gahasain ni Lalin.

Huli umanong hinalay ng suspek ang bata nitong Abril 20, 2021.

Sa pag-aresto sa suspek, nasamsam din umano sa kanya ang isang baril, bala nito, at isang granada.

Nahaharap si Lalin sa mga kasong rape na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) at violation ng Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act (RA 10591).

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally

Headlines Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally MANILA, Philippines — Quezon …

error: Content is protected !!