Ex-‘Goin’ Bulilit’ star Trina Legaspi ipinasilip ang prenup shoot

Aktres na si Trina 'Hopia' Legaspi at kaniyang non-showbiz fiancé na si Ryan Jarina. Instagram: @trinalegaspi

MAYNILA – Ipinasilip ng aktres na si Trina Legaspi ang prenup photoshoot nila ng non-showbiz fiancé na si Ryan Jarina, na nakatakda niyang pakasalan ngayong taon.

Sa kaniyang YouTube channel, nag-post ng video si Legaspi tampok ang shoot na nangyari noong Marso 6, 2021 sa Villa Jose Antonia sa Tarlac.

Sa video, ibinahagi ng stylist ni Legaspi na si Jemi Nicdao ang inspirasyon para sa "look" ng dating "Goin' Bulilit" star sa photoshoot.

"Napagod na ako sa mga standard na prenup looks so I wanted something high fashion naman for Trina. For me, it's like Asian Beyoncé," ani Nicdao.

Sagot naman ni Legaspi: "Sana kasing-sexy ako ni Beyoncé."

Matapos ang shoot, nagbigay naman ng mensahe sina Legaspi at Jarina para sa kanilang ika-7 anibersaryo, na ipinagdiwang nila kamakailan.

Ayon kay Jarina, kahit ano pa ang mangyari ngayong taon ay papakasalan niya si Legaspi.

"This is now going to be our last anniversary being single… As we get ready for the next chapter in our lives, despite the current pandemic, the silver lining in all this is I'll be spending the rest of my life with you," aniya.

"Whatever happens, I’m still going to marry you this year because I want 2021 to be the start of something very special for us," dagdag niya.

Nangako rin si Jarina na susuportahan niya si Legaspi sa ano mang mga pangarap nito.

Nagpapasalamat si Legaspi sa pagiging mapagpasensiya ni Jarina sa kaniya.

"Ako naman, gusto kong magpasalamat sa'yo kasi naging patient ka sa akin for the past 7 years, 'di ba? Kahit may mga mood swings, alam mo naman 'yon… Tinanggap mo kung sino ako for who I am," anang aktres.

"This 7th year of us, I think it's God's perfect time for us to get married," sabi niya.

RELATED VIDEO:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony

Entertainment JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!