Ex-Pilipinas Got Talent finalist, timbog sa buy-bust

Mark Joven Olvido

Naaresto ang dating Pilipinas Got Talent runner-up na si Mark Joven Olvido sa drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna, nitong Biyernes, Mayo 14.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, nakatanggap sila ng reklamo laban kay Olvido kaya ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation bandang 6:00 ng gabi.

Sa pakikipagtransaksiyon sa pulis na poseur buyer, nakumpiska umano mula kay Olvido ang tatlong maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000.

Narekober umano kay Olvido ang marked money na ginamit sa operasyon.

Taong 2018 nang manalong third runner-up si Olvido sa Pilipinas Got Talent Season 6.

Hinangaan siya ng publiko dahil mahusay niyang nasasabayan ng pagpapatawa ang kanyang vaping exhibition, kaya siya tinaguriang Vape Master.

Si Olvido ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz Police, at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

9.9M COVID-19 jabs administered during extended vaccination push

Headlines 9.9M COVID-19 jabs administered during extended vaccination push MANILA, Philippines — Almost 10 million …

error: Content is protected !!