Game live streamer, na-distract kay Awra Briguela

Johnmar Villaluna, Awra Briguela

Nawala sa laro ang live streamer na si Johnmar Villaluna nang malamang pinanonood siya ng social media influencer na si Awra Briguela.

Kapitan ng Blacklist International at kilala bilang OhMyV33NUS, ipinakikita ni Johnmar ang kanyang gameplay sa hero na si Angela nang magkomento si Awra sa kanyang laro.

Napa-comment si Awra ng, “OMGGGGGG,” na kaagad napansin kaya ikinagulat at labis na ikinatuwa ni Johnmar.

Sa sobrang tuwa, nawala sa focus si Johnmar kasunod ng pasasalamat niya sa suporta ni Awra.

“Legit ba, nag-comment si Awra?” sabi ni Johnmar sa kalagitnaan ng livestream.

“Oh my God! Wais, nag-comment sa akin si Awra!” Iminuwestra pa ni Johnmar ang iconic pose na pinasikat ni Awra, na dating child actor at sumikat sa pagganap sa ABS-CBN teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Biniro pa ng streamer si Awra na ito raw ang dahilan kaya hindi siya maka-focus sa paglalaro.

“Awra, ganyan pumatong ah. Awra, ganun pumatong, okay?” hirit ni Johnmar sa kanyang stream.

Bukod dito, nag-send din si Awra ng 100 stars sa stream ni Johnmar.

Hindi nagtagal, nagbigay ng karagdagang 1,000 stars si Awra kay Johnmar.

Sa natapos na game ay nanalo ang team ni Johnmar.

Humirit muli ng biro ang streamer: “In fairness, Madam Awra, naramdaman ko na kakilala ni Madam Awra ‘yung kalaban namin kaya dini-distract ako. Dini-distract kami, ‘di ba? Kaya na-challenge din kami.” (Joven Ventura Parameo, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Robredo lauds AFP for independence, help during pandemic

Headlines Robredo lauds AFP for independence, help during pandemic MANILA, Philippines — Amid criticisms over …

error: Content is protected !!