Grab driver sinaksak sa mukha ng misis

Sugatan ang 41-anyos na Grab driver matapos siyang saksakin sa mukha ng kanyang live-in partner sa Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas 8:55 sa bahay ng biktima na si Raul Lamban at partner nitong si Mary Anne Valenzuela sa Road 6 extension, Bagong Silangan.

Naganap umano ang pananaksak ng babae sa kanyang kinakasama habang sila ay nagtatalo.

Bago ito, nag-inuman umano ang dalawa at nakatulog ang biktima.

Lumabas pa umano ng bahay ang suspek at nakipag-inuman naman sa kanyang mga kaibigan. Bumalik ang babae na lasing na lasing at galit na galit dahil hindi napagbuksan agad ng pinto dahilan para sila magtalo.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay kumuha umano ang suspek ng kutsilyo at sinaksak sa mukha ang biktima.

Dali-dali namang naisugod sa ospital ang biktima. Naaktuhan namang papatakas ang suspek ng mga pulis nang ito ay arestuhin.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Palace vows more funding for gov’t nurses back wages

PNA file photo MANILA – The national government will look for sources of funding for …

error: Content is protected !!