Granular lockdown ipatutupad sa ilang kalye sa Pasig City–Sotto

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Lunes na nakatakdang ipatupad ang granular lockdown sa ilang kalsada sa lungsod sa harap naman ng tumataas na bilang ng coronavirus disease (COVID-19).
“Aminin natin: nag-relax na tayong lahat. Caution fatigue is real. Let’s bring our guard back up. Sumunod sa basic health protocols,” sabi ni Sotto sa isang Facebook post.
Idinagdag ni Sotto na kadalasang nakukuha ang COVID-19 sa trabaho at nahahawaan ang mga kasama sa bahay.
“Hindi na natin kaya mag-total ECQ (enhanced community quarantine). Too many people will go hungry. Because of its negative effects on our economy, thousands if not millions will be pushed deeper into poverty for years to come. ECQ was meant to flatten the curve while we strengthen our Covid response,” dagdag ni Sotto.
Ayon kay Sotto, binibigyan niya ang City Health Department ng hanggang mamayang hapon para magrekomenda ng mga lugar para sa granular lockdown.
Sinabi pa ni Sotto na nakadepende ang vaccine rollout sa suplay sa pandaigdigang merkado.
“May natanggap na tayo mula sa DoH (Department of Health). Wala pa po yung order ng LGU mismo na AstraZeneca. Unang prayoridad po ang healthcare frontliners,”
Pinayuhan din ni Sotto ang mga residente na sumunod sa health protocol para makaiwas sa COVID-19.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Helping hands

Photo courtesy of Yummie Dingding A mother carrying both a food pack and learning material. …

error: Content is protected !!