Higit 45,000 Kapamilya, nakilahok sa bagong segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Madlang Pi-Poll’

Higit 45,000 Kapamilya, nakilahok sa bagong segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Madlang Pi-Poll’ 1
May bagong segment na aabangan sa It's Showtime kung saan maging home viewers ay maaaring manalo ng premyo. ABS-CBN

Kahit nasa bahay lamang, may pagkakataon nang makasali at manalo ng premyo ang manonood ng “It’s Showtime” dahil sa bago nitong interactive game na “Madlang Pi-Poll.”

Sinimulan nitong Sabado, umabot sa higit 45,000 na Kapamilya ang sumali sa game show kung saan maaaring manalo ang mga ito ng aabot sa P150,000 na halaga.

Sa nasabing virtual game, makakasali ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na ipapakita sa screen habang umeere ang segment. Tanging mga nasa Pilipinas lamang na may edad 18 anyos pataas ang makakasali.

Kasamang maglalaro ng madlang pipol ang ilang studio players, kagaya na lamang ng Kapamilya comedians na sina Tonton, Juliana Parizcova Segovia at Iyah Mina sa unang episode, na susubukang hulaan ang magiging sagot ng karamihan sa mga manonood.

Bawat katanungan ay may katumbas na halaga na naglalaro mula P5,000 hanggang P30,000. Kapag nahulaan ng studio players ang pulso ng karamihan sa madlang pipol, sa kanila mapupunta ang premyo.

Kung mali naman ang pinili nila, mapupunta ang halaga ng tanong sa madlang pipol na paghahati-hatian ng mapipiling panalo.

Sa panimulang arangkada ng segment, nakalikom ang madlang pipol ng P60,000 na mahahati sa 3 sumali sa palaro, habang maghahati sa P45,000 na naipon ang 3 komedyante.

Mapapanood ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

‘Nagpapasalamat ako anak’: AJ Raval’s mom supports Aljur Abrenica’s revelation

Entertainment ‘Nagpapasalamat ako anak’: AJ Raval’s mom supports Aljur Abrenica’s revelation MANILA, Philippines — Alyssa …

error: Content is protected !!