Ika-160 bata na naturukan ng Dengvaxia, nasawi

Umakyat na sa 160 ang kabuuang bilang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nasawi.

Ito ang kinumpirma ni Public Attorneys Office Chief Persida Rueda-Acosta sa isang panayam Lunes.

Ang bata, ayon sa abogado, ay nakilalang si Crisa Mae Porcia ng barangay Mambugan, Antipolo, Rizal. Isinailalim umano sa awtopsiya ang bata at lumabas na tinurukan ito ng Dengvaxia.

Si Porcia ay naturukan noong 2016, 2017 at 2018 sa kanilang paaralan sa Spring Valley Elementary School nang hindi naabisuhan ang mga magulang.

Nabatid na nitong 5 Disyembre ay isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima at kinalaunan ay binawian ito ng buhay.

Ayon sa inang si Annabelle Porcia, bago pa man masawi ang kanyang anak ay nakitaan nila ito ng pagdurugo sa gilagid at paninikip ng dibdib.

Kinumpirma naman ni PAO Forensic Laboratory Division chief Dr. Erwin Erfe na Dengvaxia ang dahilan ng pagkakasawi ng bata matapos lumabas sa kanilang forensic report sa isinagawang autopsy sa Heaven’s Gate Parks & Chapel sa Antipolo na nagkaroon ng pamamaga ng organs ang biktima na nagpapakita na mayroong pattern sa mga nagdaang biktimang kanilang sinuri.

“The same pattern ang nakita natin sa forensic examination multiple organ bleeding and enlargement that caused her death,” paliwanag ni Erfe.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

MSD starts enrollment for Phase 3 clinical trial of molnupiravir

MSD in the Philippines (tradename of Merck & Co., Inc., Kenilworth, N.J., USA (NYSE: MRK) …

error: Content is protected !!