Indian national, dalagita patay sa 2 trak

Patay ang isang Indian national at angkas na dalagita matapos na mahagip at araruhin pa ng isang trailer truck at isang 10 wheeler truck sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PCol. Jerryl Bulandres ng Talisay Police Station, ganap na alas-11 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng N.Bacalso Avenue, Brgy. Lawaan I, Talisay ng nasabing lungsod.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktimang sina Hardeep Singh, 30 anyos ng Brgy. Linao at angkas nitong si Jennifer Dacumos, 17, ng Brgy. Jaclupan ng kaparehong lugar at pauwi na sana ang mga ito nang masagi ng isang trailer truck na minamaneho ni Anthony Alvis, 45.

Tumilapon si Dacumos, dahilan para siya magulungan ng isa pang paparating na 10-wheeler truck na minamaneho ni Mofil Canape Pitogo, 31.

Pumailalim naman si Singh sa trailer truck na nakahagip sa kanila.

Kusa namang sumuko sa mga otoridad ang dalawang driver na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Kapwa nasa kustodiya na rin ang dalawa ng nasabing himpilan.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

PPCRV receives close to 80,000 poll returns

The Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) has so far received a total of …