Jake Ejercito, handang makatrabaho ang co-parent na si Andi Eigenmann

Mula sa Instagram account nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann

Hindi nakaiwas ang aktor na si Jake Ejercito nang tanungin kung handa ba itong makatrabaho ang dating nobya na si Andi Eigenmann sakaling mabigyan ng proyekto na magkasama.

Mabilis na sumang-ayon si Ejercito, na may anak kay Eigenmann na si Ellie, sa posibilidad na magkasama sila ng aktres. Tingin nito magiging heavy drama ang tema ng kanilang palabas lalo pa’t kilala ang aktres sa husay sa pag-arte.

“Yeah why not? If the opportunity arises, pero mukhang heavy drama 'yun kung Andi kasi the heiress of drama kasi siya before e,” tugon ng aktor.

Ayos lang din kay Ejercito na makatrabaho ang beteranang aktres at ina ni Eigenmann na si Jaclyn Jose na ayon sa kaniya ay magiging isang karangalan dahil sa kalibre nito sa pag-arte.

“Oo naman. It would be an honor kasi Cannes Best Actress. Of course definitely. Tita J. The one and only,” dagdag pa ni Ejercito na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Natanong din si Ejercito, na isa sa mga star ng bagong teleserye na “Marry Me Marry You,” kung papayagan ba nito ang anak na si Ellie kung gustuhin nitong pasukin din ang showbiz.

Ayon sa kaniya, susuportahan niya ang anak kung ano man ang gusto nitong gawin. Kuwento pa niya, tila komportable naman si Ellie sa harap ng camera dahil na rin sa ilang photoshoots na nagawa nito kasama ang ina.

“Si Ellie kasi she’s been exposed to the industry because of Andi and they’ve had a lot of magazine shoots na and stuff like that. I’d say she’s really comfortable being in front of the camera,” pahayag ni Ejercito.

“If ever naman she decides to go into showbiz in the future, I won’t say no. Kung anong gusto niyang gawin, I’ll be rooting for her 110%.”

Nasabi rin ng aktor na prayoridad niya ang pagiging ama sa anak kaya naman hindi niya pipigilan ang anak kung sumunod man ito sa yapak nila sa pag-aartista.

Paliwanag pa niya, hindi na baby ang anak at unti-unti nang nagkakaroon ng sariling kaisipan at desisyon.

“She’s slowly starting to have her own person, have her mind. Alam na niya 'yung gusto niya. Hindi na siya 'yung sunod-sunuran na lang,” ani aktor.

Limang taon nang single si Ejercito ngunit desisyon umano niya ito upang matutukan si Ellie bukod pa sa walang pagkakataon ngayon na makakilala ng ibang tao lalo pa’t may pandemya.

“Right now kasi I have Ellie. I ‘m happy and content with the situation now. But if you ask me in the future if it’s in the cards for me, of course why not? But right now it’s not in the horizon for me.”

Makakasama ni Ejercito sa seryeng “Marry Me Marry You” sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, at bagong Kapamilya na si Sunshine Dizon.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Fil-Am Olivia Rodrigo’s ‘driver’s license’ most-streamed on Spotify, Apple Music charts

Music Fil-Am Olivia Rodrigo’s ‘driver’s license’ most-streamed on Spotify, Apple Music charts MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!