Jasmine Curtis may nakakatawang reaksyon nang tanungin kung nanay siya ni Anne Curtis

Mula sa Instagram ni Anne Curtis at TikTok ni Jasmine Cutis


Sari-saring mukha nang pagkagulat ang ginawa ng aktres na si Jasmine Curtis nang makatanggap ng tanong tungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actress at host na si Anne Curtis.

Magkahalong pagtataka at pagkabigla ang ipinakita ni Jasmine sa kaniyang TikTok account nang tanungin kung siya ba ang nanay ng kapatid na si Anne.

“KELAN PO BAKIT PO AKO PA UNG NANAY” saad ni Jasmine sa kaniyang post.

Nagkunwari rin itong naiyak sa tanong ng isang netizen habang pinapaliwanag na magkapatid sila ng “It’s Showtime” host at 10 taon ang agwat nila ng kaniyang ate.

“10 years akong mas bata sa kanya,” pabirong pag-iyak ni Jasmine sa TikTok.

Nito lamang Pebrero, sumulat ng isang tula si Jasmine para sa kapatid na nagdiwang ng kaarawan kung saan nilabas nito ang isang throwback photo nilang dalawa.

"Will be with you every step of life:

Like when I was your maid of honor when you became a wife.

Like when you taught me strength through your frights.

Like that time you learned to empower yourself and taught me about my own might.

You never fail our family, and will always be our brightest light.

I love you Sestra, for all that you are and will evolve to be.

I love you Sestra, we all do… the Curtis-Smiths, Heussaffs, your friends, the world and, Dahlia Amélie," ani Jasmine sa kapatid.

Kababalik lang sa Pilipinas ngayong taon ni Anne kasama ang asawang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia mula Australia kung saan siya nanganak.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Gretchen Barretto creates new Instagram account after being hacked

Entertainment Gretchen Barretto creates new Instagram account after being hacked MANILA, Philippines — Actress Gretchen …

error: Content is protected !!