Jerome Ponce, vlogger Sachzna Laparan magkasintahan na nga ba?

Mula sa Instagram account ni Sachzna Laparan

Tila nakahanap na ng bagong magpapasaya sa kaniyang puso ang aktor na si Jerome Ponce matapos batiin ng vlogger na si Sachzna Laparan sa kaniyang kaarawan at tawaging “my soulmate.”

Sa kaniyang Instagram account, inilabas ni Laparan ang larawan nila ni Ponce na magkahawak ng kamay kasabay ng kaarawan ng aktor.

“Happy birthday mon âme sœur,” maikling bati ng vlogger.

Nauna nang pinag-usapan ang maaaring ugnayan ng dalawa noong kaarawan din ni Laparan kung kailan binati ito ni Ponce.

Makahalugan ang naging maikling mensahe ng aktor sa nali-link sa kaniyang si Sachzna.

“Happy birthday nassib,” saad ni Ponce kasama ang screenshot ng video call ng dalawa at larawan na magkasama sa sasakyan.

Ayon sa mga netizen, ang “nassib” o “naseeb” ay isang Hindi o Malay word na nangangahulugang “luck” o “destiny.”

Minsan na ring lumabas sa vlog ni Laparan si Ponce kung saan naglaro ang dalawa ng "Sagot o Lagok."

Halos 2 milyon na ang subscriber ng vlogger sa kaniyang YouTube channel.

Bago maugnay kay Laparan, huling nakarelasyon ni Ponce ang volleyball star na si Mika Reyes.

Noong 2020, napansin na lamang ng ilang netizen na hindi na fina-follow nina Reyes at Ponce ang isa’t isa sa Instagram.

Lalo pang naging maingay ang isyu na hiwalay na ang dalawa nang burahin ng mga ito ang mga larawan nilang magkasama sa nasabing social media platform.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Fil-Am Olivia Rodrigo’s ‘driver’s license’ most-streamed on Spotify, Apple Music charts

Music Fil-Am Olivia Rodrigo’s ‘driver’s license’ most-streamed on Spotify, Apple Music charts MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!