Jessy Mendiola sa pag-propose sa kaniya ni Luis Manzano: ‘He’s the one na’

Luis Manzano at Jessy Mendiola.

MAYNILA – Engaged na ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, anunsiyo ng dalawa nitong Sabado.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Mendiola at Manzano.

Pagbubunyag nila na unang linggo ng Oktubre naganap ang proposal.

Mahigit 2 buwan nila itong itinago at hinintay nila ang tamang pagkakataon na ibahagi ito sa buong mundo.

“Everyone is congratulating us, kahit yung mga Hindi namin kilala naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning,” ani Mendiola.

Ani Manzano: “Ang sarap din kasi na it was between us lang, pero ang sarap din na the whole world is happy for us, so it’s a mix of feelings.”

Watch more in iWantTFC

Inaayos na nila ang ia-upload na vlog kung saan makikita ang inilarawan nilang “unexpected” na proposal.

“The moment na luluhod na siya tapos titignan ka na niya sa mata, and when he finally asks you that question na will you marry me, Hindi ka na makakasalita, I was so shocked. Finally pag nasuot mo na yung ring eto na pala yun, he’s really the one na,” ani Mendiola.

Nagpapasalamat si Mendiola na hinintay ni Manzano na maging handa siya bago mag-propose.

“He respected my timeline also, when w” got together kasi, Hindi ko naman sinasabi na matanda na siya,” aniya.

Ayon kay Manzano at Mendiola, plano nila na sa susunod na taon magpakasal.

“We are looking at next year, mid next year. Some of our friends are telling us na best advice that we could give you is wag na kayo mag-long engagement, if you can plan it shorter, do it,” ani Mendiola.

Umaasa ang dalawa na mawawala na ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic para maituloy nila nang ligtas at puno ng saya ang kanilang pinaplanong destination wedding. — Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

Filipino indie label Terno Recordings goes international

MANILA — Trailblazing Filipino independent record label Terno Recordings that has given Filipino music fans …

error: Content is protected !!