Jhong Hilario, nakatanggap ng pagbati sa kaniyang kaarawan mula sa ‘Showtime’

Hindi nakalimutan ng
Hindi nakalimutan ng "It's Showtime" ang kaarawan ni Jhong Hilario. ABS-CBN


Bagamat matagal nang nagpaalam sa noontime show nang pansamantala, hindi pa ri nakalimutan si Jhong Hilario ng kaniyang mga kasamahan sa “It’s Showtime.”

Sa kaniyang kaarawan, inalala ng mga host sa pangunguna nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang mga masasayang pagkakataon kasama si Hilario sa palabas sa pagdiriwang ng kaarawan ng tinaguriang “Sample King.”

“Miss ka na namin Kuya Jhong,” saad ni Navarro.

Biro naman ni Vice na isa sa pinakamalapit sa aktor at dancer, hindi niya ito nami-miss. Nagbigay din ng mga nami-miss nilang pagkakataon ang ilan pang host ng noontime show tungkol kay Hilario.

“Nami-miss ko 'pag nakikita ko si Jhong 'yung mata ni Ryan, masaya. Kumikislap,” natatawang saad ni Karylle.

Sinakyan naman ito ni Ryan Bang at pabirong humirit na gusto niya si Hilario. Ngunit ayon sa Korean host, malapit lamang talaga sila nito dahil palagi rin silang roommate.

Pinaka naaalala naman ni Amy Perez kay Hilario ay ang tunog ng sapatos nito kapag naglalakad noon sa hallway ng ABS-CBN.

Matatandaang nagpaalam si Hilario bilang celebrity performer sa "Your Face Sounds Familiar" at sa “It’s Showtime” para pagtuunang pansin ang pagiging ama sa kaniyang bagong-silang na anak na si Sarina.

Dala ng panganib sa kalusugan ngayong may pandemya, minabuti nito na magpaalam pansamantala upang masiguro ang kaligtasan ng unang anak.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

Bea Lorenzo duets with Singapore’s Benjamin Kheng

The Philippines' Bea Lorenzo is the latest local artist to collaborate with an international act …