Kahit walang swab test, empleyado dapat papasukin

Hindi kailangan obligahin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na magpakita ng swab test result bago pabalikin sa kanilang mga trabaho.

Ito ang nilinaw ngayon ni Trade Secrtary Ramon Lopez kaalinsabay ng pagbubukas ng maraming mga establisimyento ngayon na nasa ilalim ng mas magaang na quarantine status ang Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lopez na hindi mandatory ang swab test, maliban na lamang kung ang mismong employer ang sasagot nito.

“Hindi po mandatory ang swab test for work purposes, unless ang opisina ang gagastos. But they cannot impose it as a requirement so workers can report,” sinabi ni Lopez.

Gayunman, hinimok ng opisyal na hindi na dapat pumasok ang mga empeleyado na may mga sintomas ng virus at dapat na mag-isolate muna ito upang hindi na makapanghawa ng iba pa.

“But I am encouraging workers with symptoms or those exposed to Covid 19 positive na huwag na lang pumasok at mag-isolate na. I-report na lang sa office para di na makapanghawa pa,” dagdag ni Lopez.

Dapat din umanong istriktong sumunod sa health protocols ang bawat isa para makabalik na sa magandang momentum ang ekonomiya.

“I am reminding owners to strictly implement the minimum health standards to allow us to open some more industries. We have to mandate this so that cases will go down, which as an indicative in order for the economic team to continue easing quarantine classifications. If cases will surge again, then this MECQ will not last, and worst, we will go back again to ECQ,” dagdag pa ng opisyal.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

1 dead, P13.6M more shabu seized in Sulu sting

A drug suspect was killed, six more were arrested and another P13.6 million worth of …

error: Content is protected !!